Nakibahagi ang Home for Girls (HFG) sa paggunita ng Buwan ng Wika 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”
Tampok sa pagdiriwang ang iba’t ibang pagtatanghal ng mga residente at kawani gaya ng Katutubong Sayaw, Pagtula, at Kantang Pinoy, na nagbigay-diin sa yaman ng wikang Filipino at pamana ng kultura. Isa rin sa mga pangunahing aktibidad ang Lakambini 2025 na nagpakita ng kumpiyansa at pagpapahalaga ng mga kalahok sa tradisyong Pilipino.
Kasabay ng pagdiriwang, ipinagdiwang din ng HFG ang ASEAN Month kung saan inawit ng mga residente at kawani ang ASEAN anthem tuwing flag ceremony. Idinaos din ang isang sesyon tungkol sa Breastfeeding Awareness na nagbigay-kaalaman sa kahalagahan ng pagpapasuso para sa kalusugan at wastong paglaki ng mga sanggol.
Layunin ng pagdiriwang na hindi lamang magsilbing aliwan kundi maging makabuluhang paraan upang maipamalas ang talento ng mga residente at mapalalim ang pagmamahal sa sariling wika at kultura.