May be an image of 3 people and text

Sa bawat pag-ikot ng gulong, may kasamang bagong simula. Ganito inilalarawan ni Tatay Godfrey Custodio, 59 anyos mula Brgy. 12, Dapa, Surigao del Norte, ang biyayang dumating sa kanya, isang simpleng wheelchair magiging susi para muling makagalaw ang kanyang kabuhayan at pangarap para sa pamilya.
Ama ng anim na anak, tatlo’y may sarili nang pamilya, dalawa’y nasa paaralan, at isa’y paslit pa lamang. Sa kabila ng kanyang kapansanan, hindi niya piniling manatili sa gilid ng buhay. Nagkasakit siya ng Polio mula bata pa man ngunit noong maputol ang kaniyang mga daliri sa paa dahil sa diabetes, nahirapan na siyang mag lakad at gumamit na ng saklay.
Ginamit niya ang lakas ng loob at sipag, kahit gamit lamang ang saklay, upang makapagtinda ng pagkaing kanyang niluluto—empanada, siopao, at mga ulam na kanyang inaalok sa kapitbahay. Ngunit ngayong may gulong na kaagapay, mas magaan at mas mabilis na ang kanyang pagkilos.
“Nalipay kaayo ko sa akong nadawat na wheelchair kay dako kaayo nig katabang nako, labi na sa akong panginabuhi… kasi mas madali na ang akong pag tinda ng mga pagkaon kung naa ning wheelchair kay ako rang sabakon kontra sa mag crutches ko… dili ko gusto nga mahimong pabigat sa pamilya, mao nga dako kaayo ko ug pasalamat sa DSWD, sa atong presidente, ug sa First Lady nga pinaagi aning programang LAB for ALL natagaan ko ani,” pagbabahagi ni Tatay Godfrey.
Ang kwento ni Tatay Godfrey ay paalala na ang malasakit ay may anyo, minsan ito’y nagiging kamay na handang umalalay, minsan ay nagiging gulong na muling nagbibigay-buhay sa pangarap.
Sa likod ng lahat ng ito, nananatiling tapat ang paninindigan ng DSWD na “Bawat Buhay Mahalaga” at patuloy ang “maagap at mapagkalingang serbisyo” para sa lahat.
Ang LAB for ALL ay isang inisyatiba ni First Lady Liza Araneta-Marcos na naglalayong maghatid ng serbisyong pangkalusugan at kaugnay na tulong sa mga pinakamahihirap at pinaka-nangangailangang sektor ng lipunan katuwang ang mga Lokal na Pamahalaan at National Government Agencies.