With the recent celebration of the World Teacher’s Day, the hard work and commitment of unsung heroes – the devoted teachers, are placed on the limelight. While teachers are honored every 5th day of October, most do not know the struggles and sacrifices teacher face beyond the four walls of the classrooms. Today, it is fortunate that the story of Teacher Rossiel M. Tigbas from the Province of Dinagat Islands is shared to everyone.
Kamote, saging saba at asin… ito ang nakagisnan kong pagkain na laging inihanda ng aking nanay Liza sa araw-araw. Ako si Rossiel, 25 taong-gulang, nakatira sa Barangay Esperanza, Loreto. Lima (5) kaming magkakapatid, ang aking ina ay isang housewife, samantalang ang aking ama na si Ronito ay isang magsasaka sa umaga, at mangingisda sa gabi.
Noong akoy namulat, hindi ko kailan man naranasan ang isang marangyang buhay. Ang aming bahay ay gawa lamang sa pinagtagpi-tagping kahoy at ang dingding naman ay gawa rin sa pinagtagpi-tagping trapal. Tuwing gabi, tanging ilaw mula sa lampara ang aking sandigan upang ako’y makapag-aral at magawa ko ng mabuti ang takdang-aralin na ibinigay sa amin ng guro namin.
Pagka gising sa umaga, kamote o saging saba ang pagkain na aming binabaon tuwing kami’y pupunta sa paaralan. Hindi ko kayang mag reklamo kasi alam ko na mahirap lang kami at kitang-kita ko naman ang pagkayod ng aming magulang upang matustusan ang aming pag-aaral. Pero kahit kailan man hindi ito naging hadlang upang sumuko ako sa aking pangarap. Nakapagtapos ako sa elementarya bilang Valedictorian.
Pinagpatuloy ko ang sekondarya sa Loreto National High School, at pinalad na maging iskolar ng isang mining company. Ang mga taon na ito ang isa sa pinakamahirap na naranasan ko dahil bawat araw alas kwatro (4) pa lang ng umaga ay naghahanda na ako patungo sa paaralan. Mahigit pitong (7) kilometro ang nilalakad ko araw-araw galing sa bahay dahil walang pera pampamasahe. Pagkauwi ko ay naglalako ako ng gulay galling sa aming hardin, paminsan-minsan ay isda na kuha ng aking ama. Ang tanging baon ko lamang maliban sa pagkain ay ang determinasyon ko na makapagtapos ng aking pag-aaral. Nagtapos ako sa sekondarya na may bitbit na medalya para sa aking ama’t ina.
Sa gitna ng kahirapan pinagpatuloy ko pa rin ang mangarap at magsikap upang ako’y makapag-aral ng kolehiyo. Nag-aral ako sa Surigao State College of Technology (SSCT-Main) sa kursong Bachelor of Elementary Education (BEED). Alam ko sa sarili ko ang pag-aaral sa kolehiyo ay hindi basta-basta kaya namasukan ako bilang working student. Sa tuwing wala akong pasok o may bakanteng oras, tumutulong akong maghugas ng pinagkainan sa carenderia, maglinis ng bahay, at tumulong sa pagluluto. Minsan ay rumaraket sa paggawa ng assignments at proyekto ng aking mga kaklase. Pinagkakasya ko ang bente (20) pesos na baon sa araw-araw kaya naglalakad lang ako papunta at pauwi galing sa eskwelahan, ni hindi ko magawang kumain sa labas gaya ng iba. Dahil hindi sapat ang aming pera, huminto ng pag-aaral ang nakakatandang kapatid ko at nagdesisyon na magtrabaho sa ibang bansa.
Mas naging mahirap ang pamumuhay naming dahil an gaming bunso na si Maylyn ay magkokolehiyo na rin. Nag-aral siya sa SSCT sa kursong Bachelor of Science in Environmental Science (BSES). May pagkakataon na muntik na akong sumuko dahil sa hirap ng buhay.
Hangang sa napili ang aming pamilya na isa sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sobrang laki ng aming pasasalamat sa cash grants na natatanggap dahil natulungan kami na matustusan ang pangangailangan lalo na sa pag-aaral. Ang aking kapatid ay naging iskolar rin ng aming Provincial Government.
Taong April 2016 nakapagtapos ako. Noong una at pangalawang subok ko sa board examination, hindi ako pinalad na pumasa. Kaya pumunta muna ako ng Manila upang magtrabaho. Taong Marso 2017, sa pangatlong beses na pagsabak ay pumasa na ako at naging Licensed Professional Teacher. Isang magandang balita na agad napalitan ng dagok, kasi sa taong din ito namatay ang kapatid kong OFW. Isa ito sa mga taong hindi ko malilimutan, ngunit wala tayong ibang magagawa kung hindi ang magpakatatag.
Kaya naman nagsumikap ako na makapagtrabaho ulit para ako naman ang tumulong sa aking mga magulang. Sa ngayon, dalawa na kaming nakapagtapos ng kolehiyo. Lubos ang aming pasasalamat sa DSWD sa pamamagitan ng 4Ps na isa sa naging tulay upang ipagpatuloy ang aking mga pangarap. Ang pangarap ng aking pamilya.
Sa mga kabataan ngayon, ang masasabi ko lang ay huwag niyong sukuan ang inyong mga pangarap. Kahit ilang kilo ng kamote o saba man ang kainin, kahit ilang kilometro man ang lakarin, o kahit ilang “Ayoko na!” man ang sambitin, ang lahat ng ito’y kaya mong abutin.
Today, Rossiel works as a volunteer teacher in Esperanza Elementary School, Loreto, PDI. She doubles her effort by being a private tutor in their barangay. Her story just proves that anyone can reach for their dreams with hard work and resiliency. Be inspired by Rossiel’s story and show your gratitude and your appreciation to a teacher today. ###(Social Marketing Section/DSWD Field Office Caraga)