Mga Jabonganong estudyante ng Agusan del Norte, tumanggap noong Marso 31, 2023 ng pinansyal na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office Caraga!

2nd District Agusan del Norte Congressman Hon. Dale B. Corvera kasa ang DSWD PSD Chief Catherine Aranas at mga local na opisyales ng Munisipyo habang isinasagawa ang ceremonial payout sa stage.

Sa huling araw ng Marso, nagsagawa ng AICS Educational Payout sa Jabonga Municipal Gymnasium ang Ahensya para sa isang daan at labing-siyam (119) na mga mag-aaral ng Munisipyo na nasa matinding krisis na sitwasyon.

 

Ang programa ay nakatuon sa pagtulong sa mga estudyanteng nasa mahihirap na sektor at IPs lalo na’t sila ang lubos na naapektohan nang magtaas ang mga bilihin at pamasahe.

119 estudyante ang pumila upang makuha ang kanilang ayuda.

Dumalo sa nasabing payout si 2nd District Representative Cong. Dale B. Corvera kasama ang mga lokal na opisyales ng Jabonga upang magbigay ng mensahe at personal na masaksihan ang distribusyon ng ayuda.

 

Lahat ng estudyanteng benepisyaryo ay umuwing may dalang apat na libong piso (Php 4,000.00) na ani pa nila ay malaking tulong na para sa pang araw-araw na gastusin sa eskwela. ###(Social Marketing Section/DSWD Field Office Caraga).

 

DSWD Verifiers at Paymasters para sa AICS Educational Assistance ng Jabonga.
Print Friendly, PDF & Email