Kalihim ng Department of Social Welfare and Development na si Secretary Rex Gatchalian, dumalo noong 18 ng Marso sa Financial Assistance Payout ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program para sa mahigit kumulang apat na libong (4,000) benepisyaryo ng Butuan City.

 

Sa pangunguna ni DSWD Field Caraga Regional Director Mari-Flor A. Dollaga at ng LGU ng Butuan, sinalubong ng Team Caraga si Secretary Rex Gatchalian upang tumungo at personal na masaksihan ang AICS payout ng DSWD sa Father Saturnino Urios University gymnasium.

 

Personal na nag abot ng ayuda ang kalihim ng DSWD.

 

Mula sa apat na libong (4,000) nairefer sa Ahensya, 3,680 eligible na pamilya ang tatanggap ngayong araw sa nasabing ayuda matapos maisagawa ang cross matching at validation sa kanila.

 

Ang tulong pinansyal na ito ay bunga ng pakikipag-ugnayan at pakikipag-tulungan sa opisina ng Congressional 1st District Office ng Agusan del Norte, at ng Lokal na Pamahalaan ng Butuan City upang maibsan ang pangangailan ng mga naghihirap na mga pamilya dulot ng nagtataasang presyo ng langis at bilihin. ###(Social Marketing Section/DSWD Field Office Caraga).

Si Sec. Rex. Gatchalian nagbigay ng mensahe sa mga benepisyaryo ng Butuan.

 

 

Print Friendly, PDF & Email